jEep pA-LuCbAn

jeepney2-big.jpg“ang jEEp pA LUCbaN, nabutas ang gulong (3x). kaya nilagyan ng bubblegum.” ‘Yan ang naimbento naming kanta ngayong P.E. 2, kung saan pinasasayaw kami ng pang-ballroom (kahit mukha na kaming tanga). Tumatak ito sa isip ko hanggang ngayon lalo na pag sumasakay ako sa jeep pa-Lucban. Bahagi ito nang aking pagiging estudyante, ang ngahahatid sa akin papuntang SLSU at pabalik sa Majayjay.

Masayang magbiyahe. Kung bibigyan ako ng dream job, gusto kong babayaran ako dahil sa paglalakbay. Mas gusto kong maging manlalakbay, hindi turista. Mahilig akong magmasid. Bukod  sa paligid, inoobserbahan ko rin ang mga taong kasama ko. Nakakatuwang pagmasadan ang mga kasakay ko sa jeep. Sa mga kasamahan kong estudyante na pasahero rin tulad ko, ito ang naobserbahan ko sa kanila, hindi ko na isinama ‘yung ibang pasahero… heto sila:

Sleeprider – ginagawang kama ang jeep, minsan eh T.L pa sila (tulo laway)

FC (feeling close)- sila ung mga tulog na mahilig dumantay o humilig sa katabi nila sa jeep na hindi naman nila kilala. Pero ayos lang daw kung maganda/ gwapo ung hihilig sayo.

Mangkukulam- mga babaeng hindi man lang magsuklay o mag-ipit ng knayang buhok na humahampas sa mikha ng kanilang katabi. Medyo masakit din ito pagmalakas ang hangin..

T.L – hindi yan true love kundi “tulo Laway” mga taong nakakatulog sa jip na kayaT na ang laway sa damit.

Unlimited TxT – mga mahilig magtext, sumakay at bumaba eh nagtetext parin pero minsan may mga O.A na dahil eskandalosa ang ringtone o minsan ipinagmamalaking mamahalin ang unit nila. eh anu kung hindi colored, may load mana lagi. minsan ang ka-txt eh si BUddy o si Balance Inquiry, masbi lang na may nagtext at para maiparinig sa lahat na ang ringtone niya ay polyphonic na Maria Flordeluna.

Autistic – mga taong walang paki-alam sa paligid at masaya sa sarili nilang mundo.

 TalkshOw –  mag pasaherong napakaingay,parang arkilado ang jeep kung makapagdaldalan.

SM – (simpleng manyak) mga lalake kung makatingin sa pasaherong babae eh nanghuhubad na at minsan, pag katabi nila eh pasimple kung makahimas o mapadiit at nagkukunwaring hindi alam o aksidente lang ang nangyari… tsk.. tsk..

Sexy Starlets –  babaeng kulang sa tela ang damit at maikli pa, pero wag ka, pilit hinihila pababa para wag masilipan ni SM.

Aling Manang –  nasobrahan naman sa tela ang damit at minsan eh kakat’wa na ang suot niya. alam kong malamig sa LUcban pero katawa-tawa na ito.

Erika at Mr. Pogi –  babae at lalakeng pa-cute at papansin at mahilig mang-career. Yun lang, karamihan sa kanila eh hindi naman talaga kagandahan at kagwapuhan.

Rexona pa! –  kaso , it’s let you down…  mga taong amoy blade, kasi parang hinihiwa ang iyong ilong pag naamoy mo sila.

Super PDA –  ang magsyotang naglilingkisan, naghahalikan at kung anu-ano pa. oo naiingit ako, pero siyempre naman, may mga mas naeeskandalo pa sa akin.

Tagay pa! –  pasaherong laseng, minsan sa jeep pa sumusuka.

Yum-yum – hala, kagat, nguya, ngasab…. sarap ng kain… iwasan lang kumain ng pagkaing masangsang na amoy, kawawa naman yung mga ayaw makaamoy.

Bookworm –  nagbabasa ng libro o hand-outs sa biyahe. kung titingan eh mukha silang masipag, pero wag ka kasi sabi ng prof ko ang ganun daw ay tamad at dahil karamihan sa ganun ay hindi nakapag-aral ng kagabi kaya nagkukumahog sa jeep pagbabasa.

Malamang ay naka-enkwentro niyo na rin sila. Makikita sa kilos, pananamit, postura at pananalita nila kung anong ugali meron sila, pero alam kong hindi sapa iyon para masabi kong iyon ang mga ugali nila at kung ano talaga ang kanilang pag-katao.

MArami kang matutunan sa paligid mo. Sabagay, kung tutuusin, pakialam ko  nga naman. Malayang bansa ang Pilipinas at buhay nila iyon. Inaamin ko rin naman na kasama ako sa mga nabanggit sa taas, natutulog rin ako, dumatay,nagbasa, nagsasarili, ngumunguya kapareho nila, So it mean patas lang, kasali rin ako. hahahaha…

2 Tugon to “jEep pA-LuCbAn”

  1. Napadaan lang ako.🙂 blog hop..
    waaah. sobrang natawa ako sa mga kinds ng tao na yan.
    talaga namang may mga ganyan sa loob ng jeep.
    kaso, parang na-konsenxa ako kasi parang “TALK SHOW”.
    hehe🙂 nice post!🙂 link ex?

  2. This post is very hoting, and this blog is high ranked in
    the top blogs report
    . You can
    earn some money with a good blog
    like this.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: